KarlC on DeviantArthttps://www.deviantart.com/karlc/art/New-Year-and-the-Patriarc-h-28003319KarlC

Deviation Actions

KarlC's avatar

New Year and the Patriarc,h

By
Published:
502 Views

Description

Marami nang naisulat tungkol sa mga ama at pangungulila. Ako na lang siguro ang wala.

Tahimik lamang ang pagdating ng bagong taon sa amin. Siguro dahil wala namang bago. Kaya siguro nakatulog na lang ang tatay ko, kahit na nasa labas siya. Wala kasi siyang kasama. Pinuntahan ko siya, pero tulog na siya. (Kaya ayun, kinunan ko na lang siya. Kakaiba nga naman ang bagong taon.) Sabi nga ng isa kong kaibigan, perenyal ang pangungulila.


:bulletgreen: :bulletgreen: :bulletgreen:

Kung tutuusin, ginawa talaga ni Tatay ang lahat para mabigyan kami ng maayos na buhay. Subalit hindi talaga sapat ang maging trabahador at empleyado lang. Hindi naman kasi siya nakatapos ng pag-aaral para makakuha ng mataas na posisyon at sweldo sa kanyang trabaho. Dahil usong-uso noong dekada sitenta ang vocational courses, ito rin ang inatupag ni Tatay para makapagtrabaho. Ipinangalandakan pa ng pamahalaang Marcos noon na dadami ang lakas-paggawa sa bansa sapagkat papasok rito ang revenues at kapital ng mga dayuhang kumpanya. Ngayon, ganito pa rin sa gobyerno ni PGMA sa kanyang pangakong maka-generate ng anim hanggang sampung milyong trabaho.

Wala pa ring pinagbago mula noon.

-mula sa Pangungulila, Prinsipe Amante


:bulletgreen: :bulletgreen: :bulletgreen:

Nang lumaki na'ko, bibihira na akong sumulat. Dumaan ang hayskul nang wala siya. Naranasan ko na ang manligaw, ma-basted, ang mapag-tripan ng mga tambay at pogaks sa kanto, at ang makisama sa iba't-ibang uri ng tao nang hindi ko siya nahingan man lang ng payo. Lagi ko noong iniisip, ano kaya kung nandito si Papa?....

...Alam kong masaya siya para sa akin, pero marami pa rin akong takot sa hinaharap at di ko alam kung kakayanin ko 'to. Ilang araw na lang, aalis na naman siya. Kung ako lang ang tatanungin, sasabihin kong sana huwag na siyang tumuloy. Bahala na, basta sama-sama lang. Gusto ko pang marinig ang mga kuwento niya, gusto ko pang marinig siyang kumanta, at gusto ko pang marinig ang mga pangaral niya. Peri hindi lahat ng gusto ko ay pwedeng mangyari. Mahirap ang buhay. Kailangang harapin ang realidad, kaya kailangang magsakripisyo.

-mula sa Sana Lang, Ivan Reverente
Image size
1280x938px 168.69 KB
Make
SONY
Model
DSC-V1
Shutter Speed
80/10 second
Aperture
F/3.2
Focal Length
7 mm
ISO Speed
100
Date Taken
Jan 1, 2006, 1:11:04 AM
© 2006 - 2024 KarlC
Comments2
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
darksnake25's avatar
*sniff* Nakakaiyak naman.